Duterte Ibinulgar ang Unang Suspek kung Sakaling Siya ay Papatayin


MAYNILA, Pilipinas  –  Wala umanong puwedeng sisihin kung hindi ang America kapag siya ay namatay; ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panibago niyang banat laban sa Estados Unidos.

Sa isang talumpati sa Malakanyang nitong Huwebes, sinisi ni Pangulong Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa patuloy na kritisismo sa kanyang administrasyon partikular na sa kaniyang madugong kampanya laban sa ilegal na droga.

“Maybe the other presidents but — ‘yan CIA stop [expletives]. One day, I will just drive you away. It’s either they —your cahoots here— will have to kill me, or you have to get out of my country. Choose,” anang Pangulo.

“Basta ako sabihin ko sa Pilipino, ‘pag namatay ako, America na ‘yan. CIA na ‘yan,” dagdag pa nito.

Sa nasabing talumpati, binanatan din ni Duterte ang ilang media outlet, partikular na ang Rappler na pinopondohan umano ng mga Amerikano.

“It’s not the politicking dito. They will disappear overnight —CIA-funded (organizations like) NED, Rappler, ‘yung mga gano’n. And the Americans will realize to their sorrow that they have been too myopic in this thing,” anito.

Iginiit din ng Pangulo, na walang anumang bansa ang puwedeng magdikta sa kaniya, kahit na ang Amerika kung paanong pamamalakad ang gagawin sa Pilipinas.

Hindi rin pinaligtas ni Duterte ang European Union (EU) at hinamon ang mga ambassador nito na lisanin na ang bansa sa loob ng 24 oras.

No comments:

Powered by Blogger.